bukas, magi-isang taon na akong  nagta-trabaho rito sa cebu. at sa biyernes naman, magi-isang taon na kaming  mag-asawa ni Alisa.
 ang dami nang nangyari sa nakalipas na  taon. kung tutuusin, parang imposibleng mangyari sa akin ang mga nangyari this  year. pero, nangyari ang mga nangyari. naganap ang mga naganap. at, sa totoo  lang, di pa rin ako makapaniwala na nangyari ang mga nangyari.
 ano iyung mga nangyari? na may trabaho  akong maganda, isang trabahong gustung-gusto ko. na nakapag-asawa ako ng isang  napakagandang babae, na hindi ko pa rin maintindihan hanggang ngayon kung paano  ako nakapag-asawa ng kasing-ganda niya. na unti-unti'y nagpupundar kami ng mga  gamit (flat TV! huwaw... sarili naming flat TV!) na sa wakas, meron na kaming  sariling computer.
 so... what can i say for this year?  
 thank you, Lord!
 p.s. ok na si Nanay. na-mild stroke lang.  e kasi, kumain ba naman ng daing! hmmm... masarap naman talaga ang daing, e.  arrgghhh.... naalala ko tuloy nung minsang muntikan na rin akong ma-stroke (yep!  29 years old lang po!). sarap kasi ng daing, e.
 
 
 
 Posts
Posts
 
 


No comments:
Post a Comment