Showing posts with label advertisement. Show all posts
Showing posts with label advertisement. Show all posts

Tuesday, July 15, 2008

The Electric Bill Paradox




This e-mail came in forwarded through my inbox. This should circulate not only among email addresses, but among Web addresses. The scandal over Juday's endorsement of the ludicrous Meralco bill is just the tip of the iceberg. Please read on to know more. I didn't trace from whom this email came from, but the reasons it gave convinced me to make this a blog entry.

----------------------------

Pakibasa po ng malaman nyo gaano ka-corrupt ang govt. natin sa electric bill natin!

Bilib ako sa commercial ni Juday, biro mo naipaliwanag niya in 30. sec ang masalimuot na system loss na yan..:)

Tama si Juday sa kanyang paliwanag ng system loss, pero kung tayo ang bibili ng yelo at ayaw talaga nating mabawasan ang yelong binili, siempre magdadala tayo ng styrofoam ice box o Coleman..

Ang tawag diyan ay increase the efficiency. Kung baga sa mga distribution utilities ayusin nila nang husto ang electrical network, pati na ang mga substation and step-down transformers para nagooperate sila sa maximum efficiencies. Kung lumang-luma na, palitan o di kaya imaintenance. Tapos, ireduce, at kung maaari ay alisin, ang mga administrative inefficiencies, tulad ng wrong meter readings, pilferage ! at kung ano ano pa...

At alam ba ninyo na hindi lang meralco ang nagpapasa ng system loss? Pati ang TRANSCO na government owned at siyang nag me maintain ng power grid. Balak ipasa or naipasa na ng TRANSCO ang 2.98% ng system loss nya sa meralco.. at shempre kanino pa ba naman iyan sisingilin ng meralco..

Ngayon alam na natin kung bakit natunaw ang yelong binili ni Juday... pero part pa lamang yan ng equation kung bakit mataas ang singil ng ating koryente, kunin ang electric bill.. at heto ang component ng ating electric bill...

Generation charge
Tax on Generation charge
Transmission charge
Tax on Transmission charge
System loss
Tax on System Loss
Distribution, Metering and Supply charges
Lifeline rate subsidies
Tax on distribution, metering and supply charges and lifeline rate subsidies
Local franchise tax
Universal charges

I-add mo lahat yan at yan ang total electric bill mo... pero napansin nyo ba sa isang electric bill 5 tax ang babayaran natin?

Para lalo nating mapansin, ganito ang flow ng kuryente bago dumating sa bahay naten... Ang napocor or IPP ang mag po produce ng koryente...bago pa makaalis ng planta ang koryente, magabayad na tayo ng tax na 51 cents /kwh.

Ang koryenteng iyan ay padadaanin ngayon sa TRANSCO, papunta sa distribution utility natin gaya ng meralco.. Muli tayong bubuwisan ng gobyerno, this time 11 cents/kwh

Pag nakarating sa meralco ang kuryente, muli sisingilin tayo ng buwis ng gobyerno, ng distribution tax at franchise tax...

At dahil magbabayad tayo ng system loss muli na naman tayong bubuwisan ng gobyerno... ng system loss tax..

A eto pa ang kwela sa lahat, after i total ang iyong electric charges.. papatawan kang muli ng tax.. t! his time yung 12% e-vat. Imagine 5 Tax na binayaran mo, yung tax na yun eh bubuwisan pang muli ng isa pang tax...

Ang alam ko po sa batas bawal ang double taxation... pero sa ginagawang ito ng gobyerno.. cguro naaayon na sa batas kase lampas na sa double eh (sarcastic lang po).

At upang madagdagan pa ang sama ng loob nating mga filipino... Ang napocor, ayon sa batas ay kinakailangan mag imbak ng supply ng coal na tatagal ng 5 taon.. pero ano ginagawa ng napocor... sasairin nila yung supply nila ng coal upang tumagal lamang ng isang taon, at dahil paubos na, mapipilitan silang mag conduct ng emergency purchase na di na dadaan sa bidding.. or kung dumaan man, dahil sa ikli ng time table, walang makakapag bid.

SO si napocor bibili ng coal, hindi sa lowest bidder, kundi sa kanilang preferred suplier.. ang masaya pa neto, anlaki na ng patong... higit pa sa doble ng actual price ng coal sa market... idagdag pa jan ang arkila ng mga barko na gagamitin sa pag ta-transport ng coal... na shempre muling pagkakakitaan ng mga napocor executives...

Sobra na nga pinapataw na tax sa atin ninanakawan pa tayo ng gobyerno natin..:( ansaya ng buhay sa pilipinas no?

Kaya bago natin husgahan si Juday, sa kanyang paliwanag ng system loss, at bago natin awayin ang meralco sa taas ng singil ng kuryente.. tignan muna natin ang pinag uugatan ng mahal na singil... si meralco lamang ba ang salarin? or ginagamit rin lang sila ng corrupt na gobyerno para lalo tayong pahirapan?

Kabayan, please dont keep this message!

Pakipasa sa iba...

Tuesday, January 08, 2008

Deadly Coffee


"the Best 3x times Ocedant if you drink coffee

BARAKO can protect your body with CANSER"





We all know how coffee can be healthy, and as with all good things, coffee also has its "deadly" side.

But I never thought coffee can be this deadly.




Saturday, June 16, 2007

Umuunlad raw tayo

Wala kaming cable TV sa pension house. Dati meron. Siguro napansin nung may-ari na nanonood kami ng HBO at Cinemax sa sarili naming TV, kaya binunot iyung connection namin. O pwede ring wala na talagang cable TV connection ang buong pension house.

At dahil nga wala na kaming cable TV, tatlong channel na lang ang napapanood namin sa TV. Na-raid na rin kasi iyung paborito naming bilihan ng pirated DVD sa me Fuente OsmeƱa.

Nariyan ang kapusong GMA, ang kapamilyang ABS-CBN, at kasamang RPN (bakit? “kasama mo” kasi ang tagline nila).

Mas maaga ang newscast sa RPN, kaya sila ang inaabangan ko pagdating ko sa pension house. Isa pa, meron silang MTV show nang 9:30 pm, at wala silang nakaka-iritang VJ.

Iyun nga lang, dahil government-controlled station ang RPN, karamihan din sa mga advertisement nila ay pampulitika — mga commercial na kinakastigo ang oposisyon, sabay mananawagang magkaisa para sa kaunlaran.

Teka lang. Kung tutuusin, hindi naman kinakailangan ng pamahalaan na manawagan ng pagkakaisa para sa kaunlaran KUNG nararamdaman ng mga tao ang pag-unlad.

Ganun ba ang turing ng gobyerno sa atin — na ganun tayo at kailangan pang ipangalandakan sa atin na umuunlad tayo?

KUNG umuunlad nga tayo, hindi na natin kailangan ang mga commercial na iyan (na pinagkakagastusan natin bilang mga taxpayer). Hindi na kailangang ipagtanggol ng pamahalaan ang sarili laban sa oposisyon (E trabaho naman talaga nila ang kontrahin ang administrasyon, hindi ba? Tila hindi yata nag-PolSci 101 ang mga nasa pamahalaan… )

KUNG umuunlad nga tayo, walang sunud-sunod na bank robberies. Wala ring madugong bus robbery in broad daylight sa kahabaan ng EDSA. Mantakin mong panahon pa yata ni Nardong Putik ang holdapan sa bus, pero nangyayari ulit ngayon, at sa tanghaling tapat pa.

At huwag rin nating kalimutan ang contractor na nanghostage ng mga batang naka-enrol nang libre sa sarili niyang day care center.

At nariyan din ang Oakwood mutineer na nahalal na senador ng republika natin, sa kabila nang pagkaka-kulong niya sa isang military camp.

Meron ding mga commercial na testimonial ang dating — mga taong nakinabang sa mga programa ng pamahalaan. Nariyan ang nabigyan ng hanapbuhay, nariyan ang nabigyan ng bahay, nariyan ang napaunlad ang negosyo.

Aba! kung tutuusin, tungkulin ng pamahalaan na siguruhin na may mga trabaho ang mga mamamayan nito, na may maayos na programang pabahay, na naaalagaan nang sabay ang mga negosyante at manggagawa. Hindi ba sila nahihiyang ipagmalaki ang iilang nakinabang, samantalang ang karamihan ay umaasam na makapag-abroad para sa mas magandang kinabukasan?

Umuunlad tayo? Baka sila. Baka sila ang umuunlad.