Wednesday, June 20, 2007

Amnesia

Descendants, environmentalists mark Rizal birth anniversary - INQUIRER.net, Philippine News for Filipinos

kuha ni Raffy Lerma ng PDI. I-click ang larawan at puntahan ang orihinal na istorya sa Inquirer.net.

Kahapon, bertdey ng pambansang bayani, si Gat. Jose Rizal. Medyo nakakatawa na medyo hindi na kung tutuusin, kung anong isinulat niya mahigit isang daang taon na ang nakararaan, e puwede pa rin niyang isulat ngayon.

Nang mananghalian kami ngayon ng mga kasama ko sa trabaho, sinabi ko, sa background ng kanta ni Wowowee Willie, na kahapon nga e bertdey ni Rizal. Sabi ng kasama ko, ba't ganun Kuya, sine-celebrate natin iyung pagkamatay niya? Ibang klase, no?

Ano pa nga ba. Ibang klase tayong mga Pinoy, sabi pa ng isang kasama ko. Talagang kailangan munang mamatay ang isang Pilipino bago maituring siyang isang bayani? Ganun ba? Tapos kakalimutan rin natin siya?

technorati tags:, , , ,

No comments: