mahilig sa yakap si alisa. isang bagay na  hindi namin ginagawa sa pamilyang kinalakhan ko. sa pamilyang pinanggalingan ko.  
 ewan ko ba. talaga lang sigurong di namin  nakasanayang maging pisikal.
 hindi naman sa nagulantang ako sa sariling  pamilya ko ngayon. sa simula pa naman, gusto kong magkaroon ng masayang pamilya  -- iyung tipong tumatawa, iyung tipong nagyayakapan, iyung tipong malakas  magtrip.
 akala ko noon, dead end na ang  pagpapakasal. kaya nga ingat na ingat ako noon sa mga pakikipagrelasyon  ko.
 naging babaero rin naman ako. nanloko rin  ako ng mga babae, binobolang mahal ko sila kahit alam ko sa sarili ko na  hindi.
 masaya ako na pinakasalan ko si alisa.  kung tutuusin nga, understatement pa iyun. paano ko ba talaga isusulat?  ewan.
 basta ang ginagawa ko na lang, lagi kong  pinaparamdam sa kanya na mahal na mahal ko siya, at kahit anong gawin ko,  palaging magkukulang para sa kanya... kasi ang gusto ko, higit pa sa maibibigay  ko ang maibigay ko sa kanya. gets mo?
 kung puwede lang, yakapin ko siya nang  yakapin, kaso kailangan ko ring magtrabaho para sa aming pamilya.
 ang sarap pa naman niyang yumakap...  :D
 
 
 
 Posts
Posts
 
 


No comments:
Post a Comment