Friday, August 25, 2006

Ang Tatlong P

Isara ang pinto. Takpan ang bintana.
Ikulong ang sarili sa bahay.
Tumahimik. Tumunganga.
Tularan ang karamihan --
mapagkumbaba sa harap ng
buwitreng nananahan
sa tuktok ng Malakanyang --

ang pekeng pangulong pandak.

Wala nang saysay ang katotohanan
laban sa sandamukal na
pesteng press release
mula sa mga alipores ng

pekeng pangulong pandak.

Wala nang saysay ang magsalita
laban sa madugong pambubusal
ng berdugo ng Mindoro, Samar, at Bulacan --
hayop na berdugong asong itim ng

pekeng pangulong pandak.

Wala nang saysay ang mga patutsada,
mga protesta, mga tsismis ng coup d'etat,
laban sa pagkagahaman ng

pekeng pangulong pandak.

Wala nang saysay ang pagsunod,
pakikinig, at pakikibahagi
sa pamamahala ng isang

pekeng pangulong pandak.

Wala nang saysay ang isang pamahalaang
peke, sinungaling, at mapanlinlang.

Ang pamahalaan ng
pekeng pangulong pandak.

|| kahapon, ibinasura ng Konggreso ang ikalawang impeachment complaint laban kay Gloria Macapagal Arroyo, sa botong 173-32. naisulat ko ang tulang ito noong ika-15 ng Agosto, 2006.

1 comment:

charry said...

that's what you call freedom of speech! asteeeg! wish I can write a poem too...