Friday, June 17, 2005

An Attack

dumaan ako sa Malaking Simbahan kanina. may ikinakasal nang alas-tres ng hapon, at kulay pula ang kotseng naghihintay sa mga bagong kasal.

hindi ko ma-gets ang motif nila. puti yata, kasi wala namang kulay ang "kurtinang" nakasabit sa kahabaan ng aisle.

bumulong ako sa Kanya. sabi ko, maraming salamat sa lahat ng biyaya. sabi ko, patawad sa lahat ng kasalanan. sabi ko, tulungan Ninyo kaming dalawa na matupad ang lahat ng aming mga pangarap.

gusto kong umiyak. gusto kong lumupasay sa gitna ng simbahan habang may ikinakasal.

muntik na Niya akong kunin kagabi. at ang pinakamasakit, ilang metro lang ang layo ng Mahal ko.

ayoko ng ganung eksena. kahit ba ginagawa kong biro ang ganung eksena at sabihin ko kay Mahal, "Ayaw mo nun? At least, mamamatay ako sa tabi mo," masamang biro pa rin iyun. ayokong mamutawi iyun sa mga labi ng aking Mahal at sa akin sabihin.

natakot siya. napagod sa pag-aalaga sa akin. na-guilty pa.

hindi dapat nangyari iyun. kasalanan ko kung bakit ako inatake kagabi.

ganito kasi iyun--

dumating ako sa opisina ni Mahal, at sabi niya'y kung ok lang ba na tapusin muna niya ang kanyang ginagawa. walang kaso sa akin. sabi ko lang, parang nagugutom ako.

pagkalapag ng aking mga gamit, umupo ako sa sofang di kalayuan sa kanyang cubicle. hindi nga lang niya ako tanaw.

narinig ko pang inalok niya ako ng chocnut. umungol ako -- nalaman ko ring hindi niya ako narinig sumagot.

nahilo ako. parang hinila ng sahig ang laman ko, parang hinigop ng kung anong ewan a basta ang kaluluwa ko.

pinilit kong gumalaw. ang hirap. pinilit kong tumayo. ang hirap. pinilit ko ring magsalita, umungol. ang hirap.

may delay sa pagitan ng pag-isip ko na igalaw ang aking kanang kamay at ang aktwal na paggalaw ng aking kanang kamay.

nakatayo naman ako para uminom ng tubig. nagawa ko pa ngang pumunta sa banyo para umihi. bumalik ako sa mesa para uminom pa rin ng tubig.

at doon nangyari.

nahirapan akong huminga. wala namang masakit sa dibdib ko o anupaman, ang hirap lang talagang huminga. ang bilis ng paghinga ko, parang may humahabol sa akin, at ako naman, hinahabol ko ang aking hininga.

akala ko made-dedbol ako sa kahahabol ng aking hininga.

unti-unti, humupa ang naramdaman ko. nakahinga na ako nang maluwag. bumagsak ang ulo ko sa mesa sa pagod.

nang hapong iyon, habang nasa opisina ako, ininom ko ang natirang kape sa coffeemaker sa tabi ko. actually, pinadaan ko ulit sa kape iyung kapeng natira -- gets mo? double brewed, kung baga.

tapos, nag-chain smoke pa ako ng winston reds.

noong tanghali, ulam ko, daing. pinapak ko pa iyun pagkaubos ng kanin.

at noong isang araw, daing rin ang pananghalian ko.

gets mo? tinambakan ko ang katawan ko ng cholesterol.

habang papunta ako sa opisina ni Mahal, napagitnaan ako ng dalawang pares na hindi magkamayaw sa pagkukwentuhan. nakakairita iyung ingay nila, at magkabilang gilid pa. palagay ko, sila iyung nagtrigger sa alta presyon ko.

pasensya na, Mahal. ayokong mahirapan ka sa akin. iyung atake kagabi ang pinakamalala, at ikaw pa ang nakasaksi. pasensya na talaga, Mahal.

hindi ka nagkulang, Mahal... maraming salamat sa pag-aalaga.

kailangan kong alagaan ang sarili ko. para saan pa iyung pag-aalaga niya sa akin kung ako mismo, hindi ko inaalagaan ang sarili ko?

paano pa iyung pagtulong Niya sa akin kung ako mismo, hindi ko tinutulungan ang sarili ko?

maraming salamat, Mahal. maraming salamat....

2 comments:

Anonymous said...

it's nice to know that u realized na dapat alagaan mo rin ang sarili mo.bata ka pa for sure you want to experience na ikasal at maging ama nang magiging anak nyo ni Alisa.We only live once, and you should take care of yourself dahil maraming taong nakapaligid nagmamahal sa iyo lalung-lalo na si Alisa..take care always..

sweet angel

Anonymous said...

one of my friend referred your blog and as i surfed ah ikaw pala yung naging first boyfriend ko dati..i also got the link of your "dear"..i read her blog and and she is hurting na sabihin mong may meron na siyang iba..hindi ko siya kakilala..i remember tuloy the day u broke my heart birthday ko kasi iyon eh and you told me na si Rosalie ang mahal mo.I wish you all the happiness Ron i know you are happy with Alisa (base from what you had written in ur blog)sana wag mo siyang paiyakin at sana wala nang iba pang babae na iiyak.Minsan may KARMA rin na bumabalik sa atin..Don't worry hindi me galit sa iyo tapos na iyon and i learned my lesson well.I wish you all the happiness Ronald..God Bless..