Thursday, September 30, 2004

Intro_Refrain_Chorus_Bridge

Sa buong buhay ko, minsan pa lang ako nakakita ng kwadernong bilog.

At pangit siya.

Kung tutuusin, mahirap gumawa ng kwadernong bilog -- paano sila pagsasamahin? Saang punto ba ng bilog dapat maglagay ng staple o ng tahi?

Inconvenient, sa madaling salita. Impossible? Hindi naman yata.

Ang buhay daw, parang gulong. Minsan, nasa ibabaw... minsan naman, nasa ilalim. Kapag may kaibigan akong problemado, sinasabi ko ito:

"lamu, parang gulong yang buhay e... minsan asa ibabaw, minsan asa baba. lamu, pede naman sa gilid ng gulong e... he he he..."

Siklo ang buhay -- mula kapanganakan hanggang kamatayan, tapos may reincarnation pa kung naniniwala ka sa Hinduismo. Ngayon, masaya ka... bukas, malungkot ka... pero maniwala ka, sa susunod na araw, sasaya ka.

Pag-asa ang konseptong nakapailalim sa siklo ng kasiyahan at kalungkutan.

Kung sa tunay na buhay ay mahirap lumikha ng kwadernong bilog, napakadaling magpaikot-ikot ng mga salita sa virtual reality.

Ito ang aking kwadernong bilog. Kumusta ka?

1 comment:

Paeng said...

pota!!! gaya-gaya!!! bakit may blog ka na rin?!!!

-paeng-